Kasalanan ko ba na mabagal kayo?

Unang plato… wala lang. Mukhang bading o manyak lang ang lalaki. Pangalawang plato ay ginawa dahil nainspire sa series na Princess Tutu. Pangatlong plato, naisip kong maglagay ng ibang tenga kaya nagmukha na syang tupa.

Ayun. Wala na ako sa mood na magreklamo, magwala at magalit ngayon kasi sumaya ako kanina… somehow. Nainis ako kasi nung kahapon, MAGIC! nadelete sa PC ko halos lahat ng mga 356 plates mula January 9-28! Kainis! Buti naman na nandito na yung pang January 28 ko at na-upload ko na sa Flickr ang ibang mga larawan. Hay. Di ko talaga alam kung paano sila nawala. Pero syempre, nung nalaman ko na nawala ang mga larawan na iyon, inisip ko kung nadelete rin yung mga pictures ng crush friends ko. Buti nandun pa… kumpleto. Pero sana talaga nawala yung mga litrato ng crush ko kasi…wala lang. Gusto ko na syang makalimutan kahit papaano. Pero ayaw ko talaga idelete mga yun eh. Sobrang may sentimental value sila… cute rin sya sa mga pics.

Okay. Bangag. Bangag post nga ito. At least mas maganda ang isang bangag post kaysa sa isang emo-suicidal post nanaman. Papakilala ko sana ang bagong best friend ko. Si kutsilyo. Mabait sya. Super talas. Kinis ng balat. Payat. Sharp personality. Shiny…mayaman siguro. Mahilig tumambay sa kusina. Mahilig tumulong sa pagluto. And best of all, kung may kaaway ka, sya na bahala sa taong yun. O di ba! Pwedeng-pwede. Ingatan mo lang sya kundi, magtataksil sya sa iyo. Aray. Masakit yun. Sayang… di sya pwedeng isama sa slumber parties at sa mga gimikan. Maraming natatakot sa kanya. Sayang rin… pwede sana syang personal bodyguard. Pero ngayon, ayoko na sa kanya. Break na kami.

Yun lang ata. Naiinis lang nanaman ako kasi sinayang ko nanaman ang isang pagkakataon. Ger. Bilang na talaga ang mga araw.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: