Gusto ko ng kausap

First plate was inspired by second and third year days in Computer Science where we took up C++ and Java programming language. Second plate’s original drawing was supposed to be a prince with a weird sense of fashion but since I was too lazy to color in the details, the end result looked like he was a guy in rags or something. Third plate, according to Tin P, was emo. Nah. She’s just heart broken. I was too lazy to clean the drawing so it looks a bit messy. But I like the drawing a lot. Really matches my emotions… and it’s purple!

Ngayon, nagkakram ako ng Science and Technology Research poster para sa Youth Math, Science and Technology Week para sa susunod na linggo (Yak, pinahaba pa… pwede naman STR or YMSAT)

Anyways, emo raw ako ngayon. Sus. Bakit ngayon lang nila napapansin? Hahah, baka kasi labasan na ng grades. Syet, sobra ang binaba ko this quarter. Chemistry, Math, COM SCI. BAKIT?! Ganun ba ako kabano mag Java Script. Cmon. Nakakaiyak naman. Di ko nga alam kung paano ko ipapaliwanag sa mga magulang ko ang nangyayari na buhay ko. Wala naman akong bagsak ngayon 4th year pero pababa ng pababa naman mga marka ko. Ayoko na… gusto ko na matapos ang lahat para wala na akong problema sa buhay.

Hay nako. Buhay… parang life.

Nakabili na ako ng CD ng Dekada 70. Papanoorin ko bukas para matapos ko na ang papel na yan… kahit sa Pebrero pa siya kailangan ipasa. Grabe, 2 buwan na lang ang natitira at isa na akong gradyuweyt. Wala lang. Ayoko pa matapos ang lahat. At syempre, kinontra ko nanaman ang sarili ko.

Binasa ko ang mga nakaraan kong mga blog entries. Aayusin ko lang para sa iba… di ako galit o naiinis sa pangkat ko. Sinasabi ko dati na ayaw ko sa pangkat ko ngunit nung pinag-isipan ko talaga ito, naisip ko na wala naman akong kagalit sa kanila. Oo nga na naiilang ako sa iba sa kanila kasi mga grade-conscious o kaya’t seryoso o kaya’t sobrang pasaway o mga may sari-sarili silang mga mundo pero hanggang doon lang. Parang wala kasi akong ibang masisi kundi sila kung bakit ako nagkakaganito ngayon. Dinadamay ko lang sila kahit ang utak kong sira ang nag-iisip ng kung anu-ano tungkol sa kanila. Hay nako. Ayoko na talaga. Wala na akong makausap tungkol dito… kahit gusto kong may makalaman tungkol sa mga problema ko sa buhay. Nakakasama raw sa isang tao kung tinatago lang ang mga problema. Pero wala eh. Walang makakaintindi kung bakit ako ganito, ganyan at ganoon. Gusto ko ng kausap pero lahat sila abala sa mga mas mahahalagang gawain tulad nga ng STR.

Hay nako. Drama. Drama. Drama.

Sige na nga at titigil na ako dito. Nagiging pasaway na kagrupo nanaman ako O.O

Oo nga pala! Ang 356 plates ay may Flickr account ngayon. Dalawin nyo ang proyektong 356 plates at magcomment rin kayo! Pero ilalagay ko pa rin dito sa aking blog ang mga bagong gawang larawan bago ko i-upload sa Flickr ko. Yun lang po. Salamat ^_^

Advertisements

One Response to “Gusto ko ng kausap”

  1. tin pascual Says:

    hey! ngayon ko lang to nakita. lagi mong binabanggit yung pangalan ko ha! tuloy, sira na reputasyon ko. haha.. :))

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: